Bukas na ulit ang Pilipinas sa pagtanggap ng donasyon at pangungutang mula sa mga bansang sumuporta sa Iceland sa pag-iimbestiga nito sa anti-drug war ng administrasyong Duterte.
Ito’y matapos lagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang memorandum na nagli-lift sa naturang suspension order ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Gayunman, nakasaad sa kalatas na kailangan munang tiyaking sumusunod sa mga panuntunan ang mga miyembro ng gabinete bago ito tumanggap ng donasyon o mangutang.
Hindi naman idinetalye pa ang dahilan ng pagbawi sa suspension order.
Magugunitang nagalit nuon ang pangulo sa Iceland dahil sa pakikialam umano nito sa panloob na usapin sa Pilipinas.