Tumanggap ang Pilipinas ng dagdag na 11.3 million dollars mula sa Estados Unidos bilang tulong sa COVID-19 response ng pamahalaan.
Sa abiso ng US embassy na ipinadaan sa Department of National Defense, ang nasabing dagdag tulong ay ibinigay ng US government sa pamamagitan ng US aid United States Agency for International Development.
Sinabi ng US embassy na ang nasabing pondo ay suporta ng Amerika sa patuloy na bakunahan sa Pilipinas at iba pang hakbangin para matukoy, tugunan at gamutin ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Una nang nagbigay ng 39 million dollars ang Amerika sa Pilipinas para sa COVID-19 response, simula nang maideklara ang pandemya noong isang taon.
Sa kasalukuyan ay nasa mahigit 6 milyong doses ng bakuna na ang naibigay ng Amerika sa Pilipinas bukod pa sa tulong nito sa 44K healthcare workers at 800 ospital at klinika sa bansa sa pamamagitan ng mga gamot, PPEs, hygine kits at iba pa.—mula sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)