Muling umutang ang Pilipinas sa World Bank ng mahigit $810-M o katumbas na P41-B.
Ayon sa World Bank, nakalaan ang perang ipapautang sa bansa para sa pagbawi sa pandemya, pagpapaunlad ng disaster resilience at tulong sa sektor ng edukasyon.
Samantala, ang naturang halaga ay karagdagan sa higit 11-T na kasalukuyang utang ng bansa sa iba’t ibang International Financial Organization. —sa panulat ni Airiam Sancho