Muli na namang uutang ng dalawang bilyong dolyar ang Pilipinas para maisaayos ang North-South Commuter Railway.
Layon nitong mapahusay ang mass transport capacity sa Metro Manila gayundin sa lalawigan ng Bulacan.
Bahagi ito ng nilagdaang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Japan sa kasagsagan ng huling araw ng Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Summit.
Ipinabatid din ng Japanese Prime Minister sa pangulo na kaniyang ipaaaral kung posible ang subway system sa bansa.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)