Sa kauna-unahang pagkakataon mula noong 2007, wala na ngayon ang Pilipinas sa listahan ng “world’s most deadly countries for journalists.”
Ayon sa Committee to Protect Journalists o CPJ, isang press freedom watchdog na naka-base sa New York, batay sa kanilang yearend analysis ay wala silang naidokumentong kaso ng pagkamatay ng isang mamamahayag na may direktang kinalaman sa trabaho nito.
Bagama’t may 4 umanong journalist na napaslang ay hindi pa rin malinaw kung work-related o kung ano ang motibo sa krimen dahil patuloy pa itong iniimbestigahan.
Matatandaang ilang beses nang nailagay ang Pilipinas sa tala ng “World’s Most Dangerous Countries for the Press” kasama ang Syria at Iraq kung saan ang pinaka-malala ay ang Maguindanao Massacre noong 2009 na mahigit 30 mamamahayag ang nasawi .
By: Jelbert Perdez