Nagpaabot na rin ng pagbati ang Pilipinas sa Iraq matapos i-anunsyo ng Baghdad na nabawi na ng Iraqi Forces ang lungsod ng Tal Afar sa kamay ng Islamic State.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, hindi lamang tagumpay ng mga Iraqi ang pagkakabawi sa Tal Afar kundi ng buong mundo.
Inspirasyon anya ang tagumpay ng Iraq para sa Pilipinas sa gitna ng inaasahang pagtatapos ng giyera sa Marawi City.
Sampung araw ang itinagal ng sagupaan sa pagitan ng mga sundalo at miyembro ng ISIS bago tuluyang mabawi ng Iraq ang Tal Afar.
By: Drew Nacino
SMW: RPE