Puspusan na ang isinasagawang konstruksyon ng pamahalaan sa SEA Games athletic stadium sa New Clark City sa Tarlac.
Ito ay bilang paghahanda sa South East Asian o SEA Games na gaganapin sa Pilipinas simula ika-30 ng Nobyembre hanggang ika-10 ng Disyembre sa susunod na taon.
Sinabi ni Bases Conversion and Development Authority President Vince Dizon, target nilang matapos ang stadium sa susunod na buwan at makapagsagawa ng dry run sa October 2019.
Ang Pilipinas ang magsisilbing host sa 2019 Southeast Asian Games.
(Ulat ni Jopel Pelenio)