Naghain na ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China kaugnay sa maritime dispute ng dalawang bansa sa West Philippine Sea.
Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos ang ihayag ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano House hearing noong Miyerkules na noon pa naman sila naghahain ng diplomatic protest laban sa China.
Ayon kay Roque, hindi basta isasantabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pananakop ng Tsina at malabong ibigay ang kahit katiting na teritoryo ng Pilipinas.
Magugunitang nagdeploy ang Tsina ng mga missile launch systems at bomber aircraft sa ilang pinag-aagawang isla sa Spratly archipelago.