Pormal nang naghain ng protesta ang Pilipinas laban sa pinakabagong aksyon ng China sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Kasunod na rin ito ng isinagawang test flight ng China sa Fiery Cross Reef na kung tawagin sa bansa ay Kagitingan Reef.
Kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesman Assistant Secretary Charles Jose na noong Biyernes, Enero 8, pormal nilang iprinotesta ang naturang agresibong aksyon ng Tsina.
Binigyang-diin ni Jose na bahagi ng protesta ng bansa ang provocative action ng China na nagbabawal sa kalayaan sa paglalayag sa dagat at panghimpapawid sa West Philippine Sea.
Malinaw aniya na paglabag ito sa sulat ng ASEAN-China Declaration on the Conduct of Parties.
By Meann Tanbio | Allan Francisco