Nagsampa ng dalawang diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China dahil sa paglabag sa international law at soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Sa Twitter post ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. ipinabatid nito na isinampa ang mga protesta sa Chinese embassy at may kaugnayan sa umano’y harassment sa isang barko ng Philippine Navy at pagtatayo nito ng dalawang distrito na sumasakop sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
At 5:17 pm today the Chinese embassy received 2 diplomatic protests: 1. on the pointing of a radar gun at a Philippine Navy ship in PH waters & 2. declaring parts of Philippine territory as part of Hainan province—both violations of international law & Philippine sovereignty.
— Teddy Locsin Jr. (@teddyboylocsin) April 22, 2020
Ang dalawang bagong distrito, isa sa Paracels at isa sa Spratlys, kung saan ilang lugar ang kini-claim ng Pilipinas, ay nasa ilalim ng otoridad ng local government ng Sansha –isang lungsod sa southern island ng Hainan.