Naghain ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China.
Ito’y matapos puwersang kuhain ng Chinese Coast Guard ang isang rocket debris mula sa Philippine Navy sa West Philippine Sea.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Teresita Daza, isinagawa ang protest noong Disyembre a-12 na ipinadala sa Chinese Embassy kasabay ng note verbal ang paghingi ng paglilinaw sa China hinggil sa insidente.
Sa kabila nito, gumawa agad ng aksyon ang DFA upang matugunan ang nangyaring insidente. —sa panulat ni Jenn Patrolla