May kabuuang 45 diplomatic protest ang inihain ng Pilipinas laban sa China dahil sa usapin ng West Philippine Sea.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang lahat ng naturang reklamo ay inihain sa ilalim palamang ng administrasyong Duterte.
Ibinigay ang naturang dokumento sa Kongreso noong nakaraang linggo sa gitna ng national task force West Philippine Sea kung saan isinailalim ang briefing ng mga miyembro ng Kamara.
Kabilang sa mga inihaing reklamo ay ang pagpasok ng Chinese vessel kapwa ng gobyerno at civilian militia sa teritoryong sakop ng Pilipinas at ang harassment ng Chinese navy,coast guard at militar sa mga mangingisdang Pilipino.