Naaalarma si House Committee on Dangerous Drugs Chairman at Surigao Del Norte Rep. Ace Barbers sa sunud-sunod na insidente ng pagkakasabat ng droga sa mga karagatang sakop ng Pilipinas.
Ito’y makaraang simulan na rin ng naturang komite ang imbestigasyon hinggil sa ulat ng smuggling ng iligal na droga sa baybayin ng Isabela gayundin sa iba pang panig ng bansa.
Kahapon, humingi ng executive session kay Barbers si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Acting Deputy Director for Intelligence and Investigation Agent Martin Francia kaugnay ng nasabing isyu.
Magugunitang aabot sa mahigit 79 na Milyong Pisong halaga ng cocaine na may timbang na mahigit 18 kilo ang nakumpiska ng mga awtoridad makaraang makitang palutang sa baybayuin ng Barangay Dipudo sa bayan ng Divilican sa lalawigan ng Isabela.
RPE