Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs o DFA sa Mexico matapos ang magnitude 7.1 na lindol na tumama sa bansa na ikinasawi na ng halos 250 katao.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, kabilang ang Philippine Embassy sa Mexico City sa mga “malubhang napinsala” sa pagyanig.
Wala naman aniyang napapaulat na casualty o fatality sa hanay ng 60 miyembro ng Filipino Community sa Mexico City.
Gayunman, ramdam pa rin ng mga Filipino diplomat maging ang iba pang empleyado ng embahada ang takot dahil sa napakalakas na pagyanig.
Magugunitang tinamaan ng magnitude 8.1 na lindol ang Mexico noong Setyembre a-8 na ikinasawi ng mahigit 60 katao.
—-