Nagpapahayag ng pagkabahala ang gobyerno ng Pilipinas sa panibagong ballistic missile launch ng North Korea.
Nanawagan si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano sa Pyongyang para makipagtulungan sa mapayapang resolusyon sa tensyon sa Korean Peninsula.
Sinabi pa ni Cayetano na hindi posible ang anumang negosasyon hanggang hindi itinitigil ng NoKor ang kanilang mga nuclear threat.
Bilang chair ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN, sinabi ni Cayetano na handa ang lahat ng miyembro ng ASEAN na kumilos upang magkaroon ng kapayapaan sa North at South Korea.