Lumalaki ang posibilidad na maharap ang bansa sa matinding epekto ng La Niña phenomenon o tag-ulan sa pagsisimula ng ikalawang bahagi ng taon.
Ito’y base sa PAGASA international climate models kung saan mas nangingibabaw ang development ng La Niña matapos ang paghina ng El Niño phenomenon at inaasahang transition sa “neutral mode” sa kalagitnaan ng taong 2016.
Ayon kay PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section Officer-in-Charge Anthony Lucero, sa kung pagbabatayan ang historical data ay nasa 80 percent ang tiyansa na magkaroon ng La Niña ngayong taon.
Gayunman, sa mga nakalipas na climate models ng dalawang international forecast institutions ay magpapatuloy ang tag-init hanggang ikalawang bahagi ng 2016.
Posibleng magsimulang mamuo ang La Niña sa kalagitnaan ng Hunyo hanggang Agosto at maaaring makita ang matinding epekto nito sa pagsisimula ng Oktubre.
By Drew Nacino