Nakahanda ang gobyerno ng Pilipinas na magbigay ng humanitarian assistance sa Laos.
Kaugnay ito sa nangyaring trahedya matapos gumuho ang hydro-power dam na nagdulot ng pagbaha at pagkawala ng maraming residente doon.
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, nakikiramay ang Pilipinas sa gobyerno at mamamayan ng bansang Laos.
Umaasa din ang Palasyo na marerekober na sa lalong madaling panahon ang mga nawawalang residente.
Batay sa datos, aabot na sa 27 katao ang patay habang nasa 131 ang nawawala sa naturang trahedya.