11 gintong medalya ang naidagdag sa Pilipinas sa ika limang araw ng South East Asian Games (SEA Games).
Kabilang sa mga nanalo ng gintong medalya ay sina Margielyn Didal ng Cebu na nasungkit ang una niyang SEA Games gold medal sa women’s game of skate event na ginanap sa Sigtuna Hall, Tagaytay International Convention Center.
Daniel Ledermann na tinanghal na hari sa men’s game of skate competition doon din sa Tagaytay.
Kiyomi Watanabe na matagumpay na nadepensahan ang kanyang SEA Games title nang muling masungkit ang 4th gold medal sa women’s judo 63kg final event.
Chino Tancontian na hindi rin nagpahuli sa gold medal finish sa men’s sambo 82kg competition.
Shugen Nakano na nagdagdag ng gold medal sa men’s judo 66kg final competition.
Mark Mugen na nakakuha rin ng gold medal sa sambo men’s combat 74kg at Jylyn Nicanor para naman sa fencing women’s individual sabre final event.
Sa kabuuan, nakakuha na ng 63 gold medals ang Pilipinas.