Nakakuha ng mababang iskor ang Pilipinas kaugnay sa pagpigil sa kurapsyon at pagsunod sa rule of law.
Ito ay batay sa MCC o Millenium Challenge Corporation FY 2018 Scorecard kung saan nakakuha ang bansa ng 50 percent pagdating sa paglaban sa korapsyon at 47 percent sa rule of law.
Dalawampu’t pito (27) naman ang iskor na nakuha ng Pilipinas sa pagpapatupad ng sa political rights habang 36 sa civil rights.
Maganda naman ang ranking na nakuha ng Pilipinas kaugnay sa pagiging epektibo ng gobyerno sa iskor na 80 percent habang 77 percent sa freedom of information.
Samantala mababa naman ang iskor ng Pilipinas kaugnay sa paggugol ng pondo para sa kalusugan kung saan nakakuha ang bansa ng 13 percent.
Ang Millenium Challenge Corporation ay isang independent aid agency na binuo ng US Congress noong 2004 at naglalabas ng scorecard para sa iba’t ibang bansa batay sa tatlong kategoriya.
—-