Nakakuha ng mahigit sa 12 bilyong dolyar na negosyo ang Pilipinas sa ika apat na pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China.
Sinaksihan ng pangulo ang paglagda ng kanyang business delegation at kanilang counterparts sa 19 na business agreements na inaasahang makakalikha ng mahigit sa 20,000 trabaho para sa Pilipinas.
Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, binubuo ito ng isang contract agreement, tatlong cooperation agreement, dalawang purchase framework agreement at labing tatlong memoranda of agreement at memorandum of understanding.
Kabilang anya sa mga proyektong nakapaloob sa mga nilagdaang kasunduan ang mga proyekto sa enerhiya, infrastructure, pagkain, telekomunikasyon, agricultural products, turismo, economic zone at industrial park development.