Nakapagtala ang bansa ng 2,578 new COVID-19 infections kahapon.
Ayon sa Department of Health (DOH), ito na ang pinakamataas na tally cases simula noong buwan ng Pebrero.
Dahil dito, umakyat na sa kabuuang 3,730,545, ang COVID cases sa bansa.
Lumalabas sa DOH data, na umabot na sa 18,990 ang active infections mula sa 18,090 nitong nagdaang Biyernes.
Base sa talaaan ng health department nasa 9,294 ang new cases sa Metro Manila sa nakalipas na dalawang linggo, na sinundan ng CALABARZON na mayroong 5,057, Central Luzon – 2,092, Western Visayas – 2,055, at Central Visayas – 863.
Maraming pasyente naman ang nakarekober mula sa viral disease, dahilan upang pumalo na sa 3, 650, 914, ang kabuuang bilang ng mga gumaling, habang nananatili naman sa 60, 461 ang binawian ng buhay.