Iniulat ng Department of Health na nakapagtala ang bansa ng 169% na pagtaas ng kaso ng mosquito-borne chikungunya fever sa unang limang buwan ng 2022.
Ayon sa ahensya, 43 kaso ng chikungunya ang naitala mula Enero hanggang nitong Mayo a-21, na mas mataas sa 16 na kaso na naitala sa kaparehong panahon ng nakalipas na taon.
Karamihan sa mga kaso ay mula sa Central Visayas, na mayroong 29 na chikungunya cases.
Sinabi pa ng DOH na hanggang nitong Mayo a-21 ay wala pang naiulat na nasawi sa naturang mga pasyente.