Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 598 na bagong kaso ng COVID-19 nitong Huwebes, dahilan para umakyat na sa 3,672,661 ang kabuuang kaso.
Batay sa pinakahuling datos ng DOH, aabot sa 45,394 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Tinaya naman sa 3,569,387 ang total recoveries habang umabot na sa 57,880 ang total deaths.
Nasa 24.64% ng intensive care unit (ICU) beds para sa COVID-19 patients ang okupado.
Habang 22.04% ng isolation beds at 13.66% ng ward beds sa buong bansa ang kasalukuyan ding ginagamit.