Nakapagtala ang Pilipinas ng 9,226 new COVID-19 infections, dahilan para umakyat na sa 1,046,653, ang kabuuang kaso sa bansa kung saan apat na laboratoryo ang bigo namang makapagsumite ng datos sa tamang oras.
Ayon sa Department of Health (DOH), ito ang dahilan kung kaya’t umabot na sa 72,248 ang active cases sa bansa.
94.9% dito ang mild, 1.7% ang asymptomatic, 1.4% ang severe, at 1.1% ang nasa kritikal na kondisyon.
Inanunsyo din ng DOH, na umabot na sa 957,051 ang mga nakarekober matapos na 10,809 pa na mga pasyente ang gumaling mula sa COVID-19, habang pumalo na sa 17,354 ang death toll makaraang madagdagan ito ng 120 new fatalities.