Nakapagtala ang Pilipinas ng 929 bagong kaso ng Omicron subvariants.
Batay sa pinakahuling genome sequencing, 889 sa bagong kaso ay kabilang sa BA.5 subvariant; 16 sa BA.4; apat na BA.2.12.1; dalawa sa BA.2.75; at 18 sa iba pang sublineages.
Ang mga bagong kaso ng BA.5 AY nagmula sa NCR, Central Luzon, Bicol Region, Cordillera Administrative Region, CALABARZON, Central Visayas, Ilocos Region, Cagayan Valley, MIMAROPA, SOCCSKSARGEN, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at CARAGA Region.
Habang ang BA.4 ay naitala mula sa SOCCSKSARGEN, Ilocos Region, Bicol Region, Central Visayas, NCR, Central Luzon, Western Visayas, CALABARZON, at CAR.
Samantala, nagmula naman sa Cagayan Valley, Zamboanga Peninsula, CALABARZON at MIMAROPA ang naitalang bagong kaso ng BA.2.12.1.