Nakapagtala ang Pilipinas ng mahigit 7,000 bagong kaso ng Covid-19 sa bansa.
Batay sa inilabas na datos ng Department of Health, nasa 78, 999 ang aktibong kaso ng virus sa Pilipinas.
Nasa 2,705,792 ang kabuuang bilang ng Covid-19 case sa bansa.
Habang nasa 2,586,369 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa Covid-19 matapos na madagdagan ng 13, 363.
40, 424 naman na ang bilang ng mga nasawi sa Covid-19 matapos na maitala ang 203 na panibagong mga nasawi sa virus.