Nakapagtala ang Pilipinas ng mahigit 4K bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH), na sa 4,084 ang bagong kaso kung saan nasa 2, 855, 819 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Habang nasa 24, 992 naman ang aktibong kaso ng virus sa Pilipinas.
Nasa 2, 779, 241 naman ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 matapos na madagdagan ng 497.
51, 586 naman ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 matapos na maitala ang 16 na panibagong mga nasawi sa virus.
Samantala, nasa 21 namang laboratoryo ang hindi nakapagpasa sa COVID-19 Document Repository System.