Iginiit ng Department of Health na naitala sa Pilipinas ang pinakamabilis na pagkalat ng human immunodeficiency virus o HIV sa buong rehiyon ng Asia-Pacific.
Ito’y batay sa datos ng HIV/AIDS and Antiretroviral Therapy Registry of the Philippines kung saan may naitalang apatnapu’t walo na kaso ng HIV kada araw noong nakaraang taon, na mas mataas kumpara noong 2013 na mayroon lamang labintatlong kaso.
Samantala, sa ikalawang bahagi naman ngayong taon ay mas tumaas pa ang bilang nito at umabot na sa limampu’t apat na kaso kada araw.
Kaugnay nito, pabata naman ng pabata ang mga nagkakaroon ng HIV, kung noong taong 2002 hanggang 2005 ay nasa edad 35 hanggang 49-anyos ang nagkakaroon ng HIV, mula 2006 hanggang ngayong taon naman ay nasa edad 25 hanggang 34-anyos na ang mga nagkakaroon nito. - sa panulat ni Alyssa Quevedo