Itinuturing ng Worldwide Fund for Nature – Philippines (WWF) na isang “ironic” ang mga problema na kinakaharap ng bansa pagdating sa pagkain.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni WWF Project Manager Melody Melo-Rijk na nakararanas ang Pilipinas ng food insecurity at food loss and waste na hindi naiiba sa sitwasyon ng ibang bansa.
sang-ayon din si Rijk na base sa isang survey ay mahigit tatlong milyong pamilyang pilipino ang hindi nakakakain.
Samantala, binigyang diin ni Rijk na kung makagagawa ng tamang paraan ang bansa ay tiyak na mapipigilan ang parehong problema ng pag-aaksaya ng pagkain at food insecurity.