Magkakaroon na ang Pilipinas ng kauna-unahan nitong diesel-electric submarines.
Ayon kay Defense Spokesperson Director Arsenio Andolong, nakatakda nang bumili ang bansa nito bilang bahagi ng hakbang ng militar upang mas lalo pang mapaigting ang seguridad sa rehiyon.
Isinailalim na umano ang pagbili ng mga submarines sa Project Horizon 2 mula sa Project Horizon 3
Target ipatupad mula 2018 hanggang 2022 ang mga proyektong nasa ilalim ng Horizon 2 habang sa 2023 naman hanggang 2028 ang nasa ilalim ng Horizon 3.