Kinilala ang Pilipinas sa larangan ng turismo ngayong taon.
Ito’y matapos kilalanin ang Pilipinas sa naganap na 29th World Travel Award sa Vietnam.
Ang Pilipinas ang nangunguna sa beach at dive destination sa Asya.
Ito na ang ika-apat na sunod na taong pagkilala sa mga diving spot sa Pilipinas habang ito ang ika-anim na pagkilala sa ganda ng mga dalampasigan ng bansa.
Bukod dito, nanguna rin ang Intramuros, Manila bilang tourist attraction sa Asya na tinalo ang Angkor Temples ng Cambodia at Taj Mahal ng India.
Dahil dito, ikinatuwa at ipinagpasalamat ni Tourism Secretary Kristina Frasco ang pagkilala sa bansa at binigyang diin ang kahalagahan ng turismo.
Ang World Travel Awards (WTA) na nabuo sa Europa nuong 1993 ay itinuturing na Oscars sa larangan ng turismo.