Nag-donate ng bagong air surveillance radar systems ang Japan sa Pilipinas.
Ayon sa Japanese Embassy, ginawa ang hakbang kasunod ng napag-usapan sa pagitan ng Department of National Defense (DND) at Mitsubishi Electric Corporation upang mapalakas ang defense capability ng bansa.
Una nang binanggit ng DND na noon pang 2016 nilagdaan ang kontrata para sa proyekto na nagkakahalaga ng $103.5 million.