Nakiisa ang Pilipinas sa panawagan ng iba pang mga bansa na magkaroon ng Nuclear Weapons Ban Treaty.
Ayon kay Ambassador Cecilia Rebong, Permanent Representative of the Philippines to the United Nations, dapat nang simulan ang negosasyon upang maisulong ang nasabing treaty.
Sinabi ni Ambassador Rebong na naniniwala ang Pilipinas na ang pagpapanatili ng kaligtasan at seguridad sa buong mundo ang tanging paraan upang masawata ang mga nuclear weapon at iba pang sandatang maaaring magamit sa mass destruction.
Inihayag ng Pilipinas ang pagsuportang ito sa naganap na Second Session ng “open ended working group on taking forward multilateral disarmament negotiations” na layong paigtingin ang mga epektibong legal measure para sa pagpapanatili ng kapayapaan sa buong mundo.
By: Meann Tanbio