Nakikidalamhati ang Pilipinas sa mga naulilang pamilya at mahal sa buhay ni Canadian National Robert Hall na pinugutan ng Abu Sayyaf nitong Lunes.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, kaisa sila sa pagluluksa ng pamahalaan ng Canada at ng mga mamamayan nito sa pagpanaw ng kanilang kababayan.
Kasabay nito, iginiit ng DFA na hindi makatao at nakapangingilabot ang ginawang ito ng Abu Sayyaf Group o ASG.
Pinatunayan lamang anila ng mga bandido na ang kanilang mga criminal activity ay pawang nag-ugat lamang sa salapi.
By: Meann Tanbio