Sinimulan na ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang pakikipag-usap sa iba pang Oil Producing Countries bilang solusyon sa nagpapatuloy na Oil price hike.
Ayon kay Marcos, aminado siyang malaking problema ng Pilipinas ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis kaya kailangan aniyang ikonsidera ang lahat ng paraan para solusyunan ito.
Sa mga nagdaang courtesy call sa mga Ambassadors ng iba’t ibang bansa, isa sa pinag-usapan ang problema sa langis.
Laman din ng dayalogo ang posibleng kasunduan upang makakuha ng suplay ang Pilipinas mula sa ibang bansa.
Maliban sa pakikipag-ugnayan sa iba pang Oil countries, isa rin sa plano ni PBBM na luwagan at bigyang-konsiderasyon ang Pilipinas pagdating sa credit at payment method.
Ang mga nabanggit na plano ay naging hakbang din ng Pilipinas sa administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. noong 1973 Oil crisis.