Nakikipagnegosasyon na ang Pilipinas para sa 20-milyon hanggang 40-milyon doses ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine ng Pfizer BioNTech.
Ipinabatid ito ni vaccine czar Carlito Galvez, Jr. kaya’t natutuwa sila sa naging commitment ng Pfizer.
Pinasalamatan ni Galvez si Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Babes sa tulong nito para isulong ang negosasyon sa Pfizer.
Bukod dito, sinabi ni Galvez na nag-alok din ang Amerika na ibigay ang sobrang COVID-19 vaccines nito sa mga kaalyadong bansa tulad ng Pilipinas at posibleng mangyari ito sa ika-4 ng Hulyo kung kailan inaasahang matatapos ang pagbabakuna sa Estados Unidos.