Ikinokonsidera ng Pilipinas na makipagtulungan sa Japan para sa kontruksyon ng mga railway project sa bansa matapos maantala ang deal nito sa China dahil sa kakulangan ng pondo.
Ayon kay Department of Transportation (DOTR) Secretary Jaime Bautista, nakipag-usap na siya sa Japan International Cooperation Agency (JICA) kaugnay sa posibleng pagbibigay nito ng pondo para sa mga nasabing proyekto.
Giit pa ng kalihim na hindi nililimitahan ng pamahalaan ang opsyon nito sa China kaya’t naghahanap din ito ng iba pa.
Noong nakaraang linggo nang makipag renegosasyon ang bansa sa China para sa tatlong project deals na kinabibilangan ng Philippine National Railway (PNR) South Long Haul Project o ang North-South Commuter Railway, Subic-Clark Railway at ang Mindanao Railway o ang Tagum-Davao-Digos Railway.