Nakipag-usap na ang Pilipinas sa Russia para umangkat ng gasolina at iba pang pangunahing bilihin.
Ayon kay President Bongbong Marcos Jr., kailangan itong gawin upang makahanap ng bagong mapagkukunan ng gasolina dahil naapektuhan ang ekonomiya ng Pilipinas sa sigalot ng Russia at Ukraine.
Ayon naman kay Russian Ambassador to the Philippines Marat Pavlov, handa na ang Russia na makipagtulungan sa Pilipinas na makahanap ng iba pang mapagkukunan ng gasolina dahil sa pagtaas ng presyo ng langis.
Nagpupursige na si PBBM na magsagawa ng fuel deal sa Russia dahil maaring kondenahin ng mga Western Nations lalo na’t matagal na itong kaalyado ng Pilipinas. — sa panulat ni Jenn Patrolla