Nakiramay ang pamahalaan ng Pilipinas sa pamilya ng nasa dalawandaan (200) kataong nasawi sa pag-atake ng teroristang Islamic State.
Ayon kay DFA Secretary Alan Peter Cayetano, sa ulat na ibinigay ng embahada ng Pilipinas sa Damascus, tinatayang nasa isandaan at limampung (150) iba pa ang nasugatan sa insidente ngunit wala namang Pinoy ang nadamay.
Sa kabila nito, pinaalalahanan ni Cayetano ang mga Pinoy sa Syria na palaging mag-ingat kasunod ng mga organisadong pag-atake ng mga terorista.
Muli namang inialok ng pamahalaan ang repatriation program o ang pagpapa-uwi sa may isanlibong (1,000) Pilipino na nagtatrabaho sa Syria.
—-