Nalampasan na ng bansa ang crisis stage sa COVID-19 pandemic.
Ito’y ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kasunod ng pagbuti ng bilang ng two-week growth rate, average daily attack rate o adar at healthcare utilization ng bansa.
Aniya, ang two-week growth rate ay nasa negative 81%, habang ang adar ay nasa 7 cases per 100,000 population, na ikinukunsiderang “low-risk.”
Samantala, hindi naman pabor si Duque na alisin ang mandatory face mask policy, bagkus ay dapat aniyang paigtingin ang pagsunod sa minimum health standards.