Inihayag ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na “nalampasan” na ng bansa ang mga hamon na dala ng Omicron variant.
Matatandaang, sinabi ni Vergeire na ang bansa ay kasalukuyang nasa ilalim ng low-risk case classification sa COVID-19 pandemic.
Samantala, pinaalalahan ni Vegeire ang publiko na hindi dapat maging kampante habang patuloy na nagbabanta ang virus.
Ganunpaman, muling iginiit ng opisyal na ang pagsunod sa mga health protocols at pagbabakuna ay nananatiling mahalaga sa pagpapanatili ng mababang bilang ng mga kasong COVID-19 sa bansa. —sa panulat ni Kim Gomez