Namemeligrong malugi ang Pilipinas ng higit sa Isang Trilyong Pisong puhuhan kapag itinuloy ng DENR o Department of Environment and Natural Resources ang pagsasara at pagsuspindi ng ilang minahan sa bansa.
Ayon sa COMP o Chamber of Mines of the Philippines, mahigit sa 62 Bilyong Piso ang mawawala sa mga kumpanya ng minahan na direktang apektado ng naturang direktiba ng DENR.
Higit 15 Bilyong Piso naman ang mawawala mula sa ipinasarang minahan.
Apat na pu’t pitong Bilyong Piso ang maluligi ng mga sinuspinding kumpanya habang higit sa 11 Bilyong Piso ang nakaambang mawala sa mga kumpanyang hindi pa nadedesisyunan.
Matatandaang inihayag ng DENR na bigong makapasa sa mining audit ang mga nasabing minahan.
By: Avee Devierte