Nananatili pa rin sa low risk classification ng COVID-19 ang Pilipinas maliban sa Mindanao na nakitaan ng pag-plateau ng kaso.
Ayon kay Department of Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, nasa 3.53 pa rin ang Average Daily Attack Rate (ADAR) sa bansa sa kada 100K populasyon.
Nasa ilalim naman ng moderate risk classification ang National Capital Region at Cordillera Administrative Region na may ADAR na 8.83 at 8.54 kada 100K populasyon.
Ang ADAR ay tumutukoy sa bilang ng mga indibidwal na nahahawa sa virus.
Sa huling datos ng DOH, 72.3 milyong Pilipino na ang fully vaccinated sa bansa.
Nasa 17.3 milyon naman ang nakatanggap ng unang booster habang 1.9 milyon ang nakatanggap ng second booster.