Patuloy na gumagaling ang performance ng ekonomiya ng Pilipinas sa mga bansa sa South East Asia.
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, ikalawa ang Pilipinas sa bansang Vietnam na nagpapakita ng magandang takbo sa ekonomiya pero naungusan ng Pilipinas ang Indonesia maging ang China na nasa 4% ang kanilang GDP.
Umaasa naman ang NEDA na lalo pang gaganda ang GDP ng bansa dahil sa pagbubukas ng face to face classes maging ang pagsisikap na mabakunahan ang dagdag na 55% ng 78M pilipino.
Tiniyak din na makatutulong din sa ekonomiya ng bansa aniya ang fuel subsidy sa mga tsuper, mangingisda at magsasaka.
Aminado naman ang neda na malaki ang hamon na kinakaharap ng bansa dahil sa mataas na presyo ng produktong petrolyo at pangunahing bilihin.