Patuloy na binabantayan ng Department of Tourism ang sitwasyon sa Marawi City gayundin ang itinatakbo ng imbestigasyon hinggil sa trahedyang nangyari sa Resorts World Manila nuong isang linggo.
Gayunman, tiniyak ni Tourism Spokesman at Asst/Sec. Ricky Alegre sa programang “Balita Na, Serbisyo Pa” na walang malaking epekto ang mga pangyayari sa estado ng turismo sa bansa.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Tourism Spokesman Asec. Ricky Alegre
Katunayan aniya, nagtungo ang mga opisyal ng DOT sa South Korea kung saan nagmula ang malaking bulto ng mga turista ng Pilipinas para i-ulat ang kasalukuyang pangyayari sa bansa.
Kasunod nito, ipinaliwanag din ni Asec. Alegre ang kahalagahan ng idineklarang Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao para ganap nang matamo ang kapayapaan sa buong rehiyon.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Tourism Spokesman Asec. Ricky Alegre
By: Jaymark Dagala / BNSP