Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na bagama’t tumaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa ay nananatili sa low risk ang Pilipinas.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nananatiling mababa ang severe at critical cases dahil ang mga bagong naitalang kaso ng impeksiyon ay pawang mild cases lamang.
Nabatid na pinakamarami pa ring bagong mga kaso mula sa National Capital Region kung saan nakakapagtala ng mahigit 500 kada araw.