Nananatiling nasa ‘critical risk’ classification ang bansa maging ang Metro Manila sa kabila ng bahagyang pagbagal ng pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, bukod sa Pilipinas at National Capital Region, nasa ‘critical risk’ din ang CALABARZON, Central Luzon, Cagayan Valley, Ilocos at Cordillera Administrative Regions.
Nasa High risk classifications naman anya ang lahat ng nalalabing rehiyon.
Sa kabila nito, inilahad naman ni Duque na bumababa na ang bilang ng daily reported cases.