Nanawagan ang Pilipinas sa mga kalapit bansa nito sa Southeast Asia, maging sa Korea, China at Japan na lalo pang paigtingin ang kooperasyon ng bawat isa sa pagharap sa banta ng COVID-19.
Ito’y sa pamamagitan dinaluhang pulong ng Foreign Affairs department sa 22nd ASEAN Plus Three (APT) foreign ministers meeting.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na bukas ang ating bansa para sa sustainable growth at recovery o pag bangon sa mga epektong hatid ng pandemya.
Dagdag pa ni Locsin sa mga kasaping bansa, na tiyakin din ang kaligtasan ng mga mamamayan nito.
Sa huli, binigyang diin ni Locsin na dapat ay walang mapag-iwanang bansa sa mapanghamong panahon bunsod ng COVID-19 pandemic.