Nangangailangan ng higit sa P300-Billion ang Pilipinas sa susunod na 13 taon upang mapangalagaan ang biodiversity.
Ito, ayon sa Department of Environment and Natural Resources-Biodiversity Management Bureau, ay dahil sa mabilis na pagkaubos ng biodiversity kahit pa isa ang Pilipinas sa mga bansang may malawak na diversity of life per hectare.
Pag-abuso sa mga kagubatan, polusyon, labis na pangingisda, at hindi maayos na pangangasiwa sa mga kalupaan ang ilan lamang sa mga sanhi ng pagkawala ng biodiversity.
Kaugnay nito, ginawa ng DENR biodiversity management burea ang Philippines biodiversity strategy and action plan upang ilatag ang mga plano sa pag-aalaga sa biodiversity ng bansa.
By: Avee Devierte