Pinangangambahang mapilay ang Pilipinas kapag tuluyang hindi isinama ang boxing at weightlifting events sa 2028 Los Angeles Olympics.
Gayunman, determinado sina Boxing Chief Ed Picson at weightlifting head Monico Puentevella na i-aapela sa International Olympic Committee na huwag alisin ang mga nasabing sports sa nalalapit na olympics.
Binigyang diin nina Picson at Puentevella na dapat silang mabigyan ng pagkakataon na linisin at ayusin ang kanilang hanay.
Una nang nabunyag ang plano ng IOC na tanggalin ang boxing at weightlifting events dahil sa umano’y maanomalyang pamumuno ng organisasyon.